Operasyon ng 3rd telco inaasahang gugulong na sa Oktubre o Nobyembre

0
48

Posibleng gumulong na ang operasyon ng ikatlong telco ng bansa sa Oktubre o Nobyembre ng taong ito.

Ayon kay Secretary Eliseo Rio ng Department of Information and Communications Technology (DICT), habang hinihintay ang kanilang prangkisa ay sinimulan na ng Mislatel ang paglalatag ng kanilang mga imprastraktura.

Posible anyang bago matapos ang taon ay masimulan ng Mislatel ang pagkuha ng kanilang subscribers sa mga urban areas tulad ng Metro Manila, Cebu at iba pa.

Ipinaliwanag ni Rio na plantsado na ang lahat para sa prangkisa ng Mislatel at inaantay na lamang ang pagbabalik ng Kongreso upang pormal itong maigawad sa Mislatel.

—-