Monday, April 29, 2024

Pananambang, pagpatay kay Santos ikinalungkot ni Gordon

- Advertisement -

Ikinalungkot ni Senate Blue Ribbon Chairman Richard Gordon ang pananambang at pagkamatay ni Bureau of Corrections Legal Chief Fredric Anthony Santos.

Ayon kay Gordon, si Santos na ang siyang ika – 15 opisyal ng BuCor na napaslang sa labas ng gate ng New Bilibid Prison simula pa noong 2011.

Aniya, ito ay malinaw na warning sa lahat na kapag nalalaman at nagsalita ka ay papatayin ka.

Lahat aniya ng naging kaso ng pagpaslang sa mga opisyal ay walang naresolba.

Kaugnay nito, nanawagan si Gordon sa Pangulong Rodrigo Duterte at Department of Justice na tutukan ang kaso ni Santos.

Una nang humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee si Santos ukol sa kontrobersiyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa mga bilanggo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -