Pagpaslang kay Santos kinondena ng Malakanyang

0
16

Kinondena ng Malakanyang ang pamamaslang sa opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na dating tumestigo sa Senate Blue Ribbon Investigation kaugnay sa kontrobersiyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat na magsagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa pagkamatay ni BuCor Legal Division Chief Fredric Santos.

Aniya, posibleng walang kaugnayan sa korupsiyon ang pagkamatay ng opisyal kundi posibleng may kinalaman ito sa mga nagawa nitong pagkakamali noong nakalipas.

Matatandaang tinambangan si Santos sa tapat ng isang paaralan ilang metro lamang ang layo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.