Reenacted budget dahilan ng mabagal na paglago ng ekonomiya — DOF

0
53

Kumpiyansa si Finance Assistant Sec. Tony Lambino na ang pinaganang reenacted budget ang dahilan ng mabagal na paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ito ay kaugnay ng ulat ng National Economic and Development Authority (NEDA) kung saan itinuro nitong dahilan ang naranasang El Niño, sa mabagal na GDP ng bansa.

Kaugnay nito, positibo rin naman si Lambino na maaabot pa rin ng gobyerno ang target na 6 hanggang 7 percent na economic growth ngayong 2019.

“Meron po konti epekto ang El Nino lalo na sa agriculture. Although yung pinaka-malaking factor sa first quarter ng 2019 ay yung reenacted budget talaga pong nabawasan ng one percent ang ating GDP growth.” Pahayag ni Asec. Lambino.

interview from Balitang Todong Lakas
—-