36.1 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Paglalagay ng SRP sa bigas inalmahan ng ilang negosyante

- Advertisement -

Inalmahan ng ilang negosyante ang paglalagay ng suggested retail price (SRP) sa bigas simula Sabado, Oktubre 27.

Ayon sa mga negosyante partikular ang mga rice retailer sa Cagayan Valley at Central Luzon regions, dapat ipagpaliban ang paglalagay ng SRP dahil mayroon pa naman silang stock na binili nila sa mataas na presyo.

Gayunman, posibleng abutin pa ng tatlo hanggang anim na buwan bago maubos ang stock ng mahal na commercial rice dahil sa tumal ng bentahan habang mabenta pa rin ang National Food Authority (NFA) rice.

Samantala, hindi naman nababahala ang NFA-Region 2 na maubusan ng supply dahil nakabibili sila ng palay mula sa mga lokal na magsasaka sa presyong P20 kada kilo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -