Friday, May 17, 2024

Pamilya ng mga nasawi sa shootout sa Cotabato sumisigaw ng hustisya

- Advertisement -

Nanindigan ang militar na nanlaban sa mga awtoridad ang 5 napatay na lalaki kabilang na ang anak ni dating Maguindanao Gov. Nurodin Matalam

Ito’y matapos takbuhan ng mga naturang lalaki ang ikinasang checkpoint ng mga sundalo sa bahagi ng National Highway, Brgy. Inug-ug, Pikit, North Cotabato nitong Biyernes

Ayon kay B/Gen. Alfredo Rosario, Commander ng 602nd Brigade Ng Philippine Army, hindi huminto ang sasakyan ng grupo at sa halip ay pinaputukan pa ang kanilang mga tropa ruon matapos lagpasan

Handa naman aniya silang harapin ang imbestigasyon sa nangyari bilang tugon na rin sa panawagan ng pamilya ng mga napatay sa shootout

Nagpasaklolo rin ang pamilya ng mga nasawi sa CHR o Commission on Human Rights upang mabigyan sila ng patas at makatarungang imbestigasyon sa insidente

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -