Thursday, May 2, 2024

3 armadong lalaki na hinihinalang Terrorista patay sa engkuwentro sa Sto. Tomas

- Advertisement -

3 lalaki ang patay matapos makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa brgy. San Pablo, bayan ng Sto. Tomas, lalawigan ng Batangas

Batay sa impormasyong ipinabatid sa DWIZ ng Batangas Provincial Police Office, nangyari ang insidente dakong 11:30 kagabi, Hulyo 6

Nakatanggap umano ng sumbong ang pulisya mula sa mga residente hinggil sa presensya ng 3 lalaki sa kanilang lugar na kahina-hinala ang kilos at pinaniniwalaan ding armado

Nang makarating na ang pulisya sa Valle Pio, Brgy. San Pablo, duon na nagkaroon ng Stand-Off kung saan, nagkaroon muna ng negosasyon

Isinisigaw pa ng 3 ang mga katagang “Allahu Akbar” na indikasyon ng kanilang pagmamatigas at hindi nila pagsuko na siyang dahilan kaya’t nauwi iyon sa palitan ng putok at pagkasawi ng 3

 

Nakuha mula sa pinangyarihan ng krimen ang 3 kalibre 45 baril na siyang gamit ng mga hindi pa kilalang mga salarin habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img