Saturday, May 18, 2024

Pamilya Dalquez taos puso ang pasasalamat sa pagbabalik ni Jennifer

- Advertisement -

Taos pusong pasasalamat ang pahayag ng mga kaanak ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jennifer Dalquez matapos itong makauwi na ng bansa mula sa ilang taong pagkakakulong sa Abu Dhabi.

Pinawalang sala si Jennifer sa salang pagpatay sa kanyang amo matapos niyang iapela ang death penalty na ipinataw sa kanya ng mababang korte.

Ayon kay Aling Alicia Dalquez, ina ni Jennifer, hindi muna sila uuwi sa probinsya upang magkaroon ng pagkakataon ang kanyang anak na libutin at pasalamatan ang lahat ng taong tumulong sa kanyang paglaya.

Hiwalay sa asawa at may dalawang anak si jennifer na pito at sampung taong gulang pa lamang nang kanyang iwan upang magtrabaho sa Abu Dhabi.

Napag-alaman kay aling Alicia na posibleng makipagkita si Jennifer sa Pangulong Rodrigo Duterte sa Martes.

“Masayang-masaya po siya na makikita niya na rin ang kanyang mga anak. Ang plano namin ay 5 days muna siya dito kasi magpaapsalamat pa kami sa mga sumuporta at nagdasal, titingnan po natin kung ano ang plano ng gobyerno kung bibigyan po siya ng panghanap-buhay ay bakit ko pa siya papupuntahin doon, depende po sa panahon at sitwasyon.” Pahayag ni Ginang Alicia Dalquez

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -