Kabiguang maningil ng P10 fare sa jeep isinisi sa mga operator

0
50

Isinisi ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines o FEJODAP sa mga jeepney operators ang kabiguan ng maraming jeepney drivers na maningil ng bagong minimum na pasahe sa jeepney.

Ayon kay Zenaida Maranan, Pangulo ng FEJODAP, nagtataka siya kung bakit napakaraming jeepney operators ang nabigong kumuha ng matrix sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) gayung alam nilang Nobyembre ang implementasyon ng sampung pisong (P10) minimum na pasahe.

Sinang-ayunan ni Maranan na hindi puwedeng maningil ng sampung pisong (P10) minimum fare ang mga drivers kung wala silang fare matrix.

Samantala, suportado aniya ng FEJODAP ang hakbang ng Department of Transportation (DOTr) na maglatag ng sistema kung saan hindi na kailangang maghain ng petisyon para magtaas o magbaba ng singil sa pasahe ang mga transport groups.

“Nagpaplano ang DOTr na magkakaroon ng parang usapan ba diyan ng kung magkano ang itataas halimbawa tumaas ang presyo ng krudo ay magtataas tayo ng pasahe at kung bumaba naman ang presyo ay ibabalik natin sa dati ang pasahe, ‘yung hindi na kami magfa-file ng increase sa pasahe, bigayan lang, kasi malaking bagay ito sa mga tsuper. Kapag nagfa-file kami inaabot ‘yan ng tatlong buwan.” Pahayag ni Maranan

 (Balitang Todong Lakas Interview)