PNP magsasagawa ng case build up sa ilang pulitiko sa Bicol Region

0
57

Magsasagawa ng case build up ang Philippine National Police (PNP) laban sa ilang pulitiko sa Bicol Region na umano’y mayruong private armed groups.

Kinumpirma ito ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde bagama’t hindi naman nito masabi kung private armed group ang nasa likod nang pagpatay kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe.

Tiniyak ni Albayalde na mahigpit nilang hahabulin at papanagutin ang mga pulitikong matutukoy na nagme maintain ng private armed group.