34.5 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Pamamahagi ng ayuda sa mga jeepney driver at operator tuloy sa 2019

- Advertisement -

Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na magpapatuloy sa susunod na taon ang pamamahagi ng ayuda sa mga jeepney drivers at operators sa ilalim ng ‘Pantawid Pasada Program.’

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, tuloy ang pamimigay ng aabot sa dalawampung libong pisong (P20,000) fuel subsidy sa mga jeepney drivers at operators.

Kasunod na rin aniya ito ng nakaambang pagbawi sa naunang rekomendasyon na isuspendi ang second round ng excise tax sa langis sa 2019.

Gayunman sinabi ni Diokno na kailangan pang ayusin ang listahan ng mga benepisyaryong driver at operators.

Magugunitang, inanunsyo noong Oktubre ng Department of Finance na gagawin na lamang sampung libo (P10,000) sa halip na dalawampung libo (P20,000) ang fuel subsidy sa mga tsuper at operator matapos irekomenda ang suspensiyon sa ikalawang round ng excise tax sa langis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -