Pamahalaan handang harapin ang imbestigasyon sa ‘war on drugs’

0
58

Handa ang pamahalaan na harapin ang anumang imbestigasyon sa umiiral na war on drug ng Administrasyong Duterte.

Ito ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, kaugnay ng inilabas na resolusyon ng United Nations (UN) na dapat magkaroon ng konkretong hakbangin sa mga patayang nagaganap kaugnay sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga.

Ngunit ayon kay Guevarra, ang pagharap ng Pilipinas ay nakadepende sa pangangailangan at kung dapat linawin ang mga maling pananaw ukol sa kampanya kontra iligal na droga.

Sa inilabas na resolution ng U.N. Human Rights Council, hiniling nito na magkaroon ng komprehensibong ulat ukol sa kalagayan ng mga umano’y serye ng paglabag ng karapatang pantao sa Pilipinas.

Nabatid rin na aabot sa dalawampung bansa ang sumusuporta sa naturang resolusyon.