Duterte inaming sinibak si Aranas

0
53

Inamin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinibak niya sa pwesto si Government Service Insurance System (GSIS) President Clint Aranas.

Taliwas ito sa naging pahayag ng Malacañang na nagbitiw sa pwesto si Aranas dahil sa ilang personal na dahilan.

Ayon kay Pangulong Duterte, mahigpit niyang tinututukan ang korapsyon, kaya’t sinibak si Aranas.

Kasabay nito, tahasan ding inakusahan ng pangulo si Aranas na sinungaling dahil sa naging pahayag nito na hindi nagbabayad ng renta ang Enrique Razon-led International Container Terminal Services Inc.

Matatandaang, noong Miyerkules, Hulyo 3, nang mapaulat ang pagbibitiw sa pwesto ni Aranas.