Hindi na kayang magpatupad ng pamahalaan ng mahigpit at istriktong quarantine protocols laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito mismo ang binigyang diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung saan hindi aniya kayang i-maintain ng pamahalaan ang mahigpit na quarantine measures.
Aniya, hindi lamang kasi ang pagpapatupad na quarantine measures ang solusyon upang malabanan ang COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Vergeire, mismong mga eksperto na ang nagsabi na hindi kakayaning i-maintain ang mahigpit na quarantine protocols sa bansa.
Aniya, sinabi rin mismo ng mga economic managers na hindi na rin uubra ang pagpapatupad ng quarantine protocols dahil nalugmok na ang ekonomiya ng bansa.