Designated survivor bill ng kamara malabong mabawi —Lacson

0
34

Malabong mabawi ang bersyon ng designated survivor bill sa kamara.

Ito ang iginiit ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson kung saan sinabi nito na dapat nang maisabatas ang naturang panukala dahil kailangang-kailangan ito ng bansa.

Sa bersyon ng senado ng designated survivor bill, layon nitong magtakda ng reserba na lider ang bansa upang matiyak na hindi mababakante ang liderato ng pamahalaan at magtutuloy-tuloy ang operasyon ng gobyerno sakaling mapahamak o malagay sa alanganin ang lahat ng nasa line of succession na nasa ilalim ng konstitusyon.

Sinabi ni Lacson na kailangang-kailangan na kasi itong maging ganap na batas dahil na sa ekstraordinaryong pagkakataon ang bansa dahil sa mga terrorist attacks.

Nakapaloob din sa naturang panukala ang pagkakaroon ng alternatibong uupo bilang acting president mula sa mga halal at itinalagang opisyal tulad ng mga senador, kongresista at cabinet members sakaling hindi umubra ang mga nasa line of succession.