32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Pamahalaan dapat maglatag ng mas mahigpit na patakaran vs. nCoV —kongresista

- Advertisement -

Iminungkahi ng isang mambabatas na dapat maglatag ang pamahalaan ng mas mahigpit na patakaran laban sa 2019 novel coronavirus (nCoV).

Ayon kay Agusan Del Norte Representative Lawrence Fortun, dapat na maging proactive ang mga ahensya ng gobyerno laban sa nCoV dahil nakasalalay dito ang buhay at kalusugan ng bawat mamamayang Pilipino.

Aniya, hindi lang dapat Wuhan City ang tinututukan ng mga otoridad dahil maging Chinese government ay naghihigpit na rin sa mga biyahe mula sa ibang lungsod at lalawigan sa kanilang bansa.

Iginiit pa ng kongresista na hindi na dapat maghintay pa ng anunsyo ng panibagong lockdown bago ikonsidera ang pagbabawal sa mga flight mula sa ibang lugar na apektado na rin ng nCoV.

Samantala, pinayuhan rin nito ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Department of Health (DOH) na huwag nang magbakasakali upang di na malusutan tulad ng pagpasok ng african swine flu (ASF) sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -