Saturday, May 4, 2024

Forbes article kaugnay sa umano’y talamak na korupsiyon sa ilalim ng Duterte admin kinondena na Palasyo

- Advertisement -

Kinondena ng Malacañang ang inilabas na artikulo ng Forbes kaugnay sa talamak na korupsiyon at pag-ibsan umano ng demokrasya sa bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, maituturing na paninira at pamamaliit ang ginawa ng Forbes para siraan ang kampanya kontra korupsiyon ng pamahalaang Duterte.

Aniya, simula ng maupo sa pwesto ang pangulo ay wala itong ibang ginawa kundi linisin ang lipunan mula sa ilegal na droga, kriminalidad at korupsiyon.

Iginiit pa nito na bilang pagtugon sa korupsiyon ay nagtatag pa ang pangulo Ng Freedom Of Information Office, Anti-Red Tape Authority, Presidential Anti-Corruption Commission at iba pa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img