Palasyo umapela sa mga mambabatas na maging patas sa usapin ng prangkisa ng ABS-CBN

0
23

Umapela ang Palasyo ng MalacaƱang sa mga mambabatas na maging patas at bumoto ng ayon sa kanilang konsensiya hinggil sa prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang pinapanigan si Pangulong Rodrigo Duterte at hinding-hindi niya panghihimasukan ang isyu sa prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi ni Roque, sa katunayan aniya ay umaapela ang pangulo sa kaniyang mga kaalyado na huwag mag-alala dahil hindi mamasamain ng pangulo kung ipapasa ng mga ito ang prangkisa ng ABS-CBN.

Matatandaang nagsilbi ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) dahil napaso na ang prangkisa ng naturang network.

Sa ngayon, nakabinbin pa rin naman ang franchise renewal bills ng ABS-CBN sa kongreso kung saan sa ilalim ng Saligang Batas na ang kongreso ang may ekslusibong hurisdiksyon hinggil sa legislative franchises.