Palasyo tutulungan ang mga naistranded dahil sa quarantine period

0
14

Tutulungan ng pamahalaan ang mga naistranded dahil sa suspensyon ng mass public transport gayundin ang mga walang mauwian sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Ito ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang muling naging pagharap sa publiko para magbigay ng direktiba sa mga Local Government Units(LGU).

Ayon kay Pangulong Duterte, kanyang hihilingin sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na tulungan ang lahat ng mga na-istranded.

Aniya, maaaring magtungo sa mga kampo ng militar at pulisya sa iba’t ibang bahagi ng bansa para humingi ng matutuluyan at makakain.