Italy nahigitan ang China sa may pinakamataas na death toll dahil sa COVID-19

0
15

Nahigitan na ng Italy ang China sa may pinakamataas na bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay matapos pumalo sa 3,405 ang pinakahuling bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Italy.

Mas mataas sa kasulukuyang death toll sa China na 3,242.

Batay rin sa talaan ng Italian Civil Protection Agency, umakyat pa sa 40,135 kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa matapos makapagtala ng mahigit 5,000 bagong kaso.

Itinuturing na ang Italy bilang deadliest center ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.