LGU’s pinababantayan sa DILG, DOH —Duterte

0
25

Pinababantayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department Of Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH) ang mga Local Government Units (LGU)’s.

Ito ay upang matiyak na nakasusunod ang mga ito sa ipinalabas na direktiba hinggil sa enhanced community quarantine.

Ayon kay Pangulong Duterte, makabubuti kung ang mga tinatahak na aksyon ng LGU’s ay alinsunod sa ipinalabas na guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at Office of the President.

Inatasan din ni Pangulong Duterte ang DILG at DOH na sampahan ng mga kinakaukulang kaso ang mga susuway na mga LGU’s.