Palasyo tiwala pa rin na maipapasa ang panukalang 2019 national budget

0
52

Tiwala pa rin ang Malakanyang na maipapasa ang panukalang 2019 national budget sa tamang panahon sa kabila nang pag-amin ng mga mambabatas na wala nang sapat na oras para mailusot pa ito ngayong taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo,magpapadala ng Liason Officers ang Malakanyang para makipagpulong sa mga mambabatas at tiyaking maipapasa ang mahigit P3 trillion national budget para sa susunod na taon bago matapos ang 2018.

Sinabi ni Panelo na ispekulasyon lamang na hindi maipapasa ang naturang budget dahil dapat gawin ng kamara ang trabaho nito.

Kung mayruon aniyang tanong ang Kamara sa isinumiteng budget ng Malakanyang inihayag ni Panelo na maaari naman silang tanungin at kaagad nilang lilinawin ang usapin.

Una nang inihayag ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri na posibleng mag operate ang gobyerno sa pamamagitan ng reenacted budget sa ilang linggo ng 2019 dahil wala na ngang panahon para talakayin pa ito ng Senado.