DOH nagbabala laban sa pag-inom ng antibiotics

0
46

Nagbabala si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III laban sa self medication partikular sa pag-inom ng mga antibiotics.

Sinabi ni Duque na ang pag inom ng antibiotics ng walang go signal ng doktor ay nanganganib mauwi sa anti-microbial resistance.

Maging ang World Health Organization (WHO) aniya ay naaalarma na sa anti-microbial resistance o kakayahan ng microorganisms na labanan ang epekto ng antibiotics, anti-virals at anti-malarials.

Ayon pa kay Duque, inilalagay sa kumpromiso ng anti-microbial resistance ang kakayahan na magamot ang mga delikadong sakit.