Tiniyak ng Malakanyang na patuloy nitong isusulong ang fundamental rights at kalayaan ng mamamayan sa Mindanao region.
Kasunod na rin ito nang pag-apruba ng kongreso sa hirit ng Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang martial law sa Mindanao ng isang taon at patuloy na pairalin ang suspensyon ng habeas corpus.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mahigpit na susundin ng mga pulis at sundalo ang karapatan ng bawat mamamayan sa Mindanao.
Nagpapasalamat aniya ang Malakanyang sa mga mambabatas na nakiisa sa pananaw ng ehekutibo na ang pagpapalawig sa martial law ay para lamang sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan sa nasabing rehiyon.
Ayon pa kay Panelo, tiwala ang Malakanyang na magkakaruon ng substantial progress para matugunan ang rebelyon at maitaguyod ang peace and order sa Mindanao.