31.4 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Halos 3-M voters makikiisa sa BOL plebiscite

- Advertisement -

Halos tatlong (3) milyong botante ang makikiisa sa idaraos na plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ipinabatid ito ni Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez bagama’t inaasahan nilang madadagdagan pa ang nasabing bilang ng mga botante.

Sinabi ni Jimenez na kailangang maresolba pa ang nakabinbing siyam naput siyam na petisyon mula sa mga kalapit na local government unit na nais mapasama sa bubuuing bagong rehiyon.

Kasama aniya sa mga boboto sa plebisito ang mahigit 150,000 mga dating miyembro ng MILF.

Una nang itinakda ng Comelec sa January 21 at February 6, 2019 ang plebisito sa BOL na idaraos sa ARMM, Cotabato City at Isabela City pati na sa mga bayang nag petisyon na maging bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -