Palasyo tiniyak na bubusisiing mabuti ni Pangulong Duterte ang enrolled 2019 proposed budget

0
66

Magdiriwang muna ng kaniyang ika-pitumput apat na taong gulang bukas, March 28 ang Pangulong Rodrig Duterte bago himayin ang halos P4 trillion 2019 national budget.

Ayon ito kay Executive Secretary Salvador Medialdea na nagsabi pang hayaan munang i enjoy ng pangulo ang kaniyang birthday bago tutukan ang panukalang budget para sa susunod na taon.

Tiniyak naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hihimayin ng husto ng pangulo ang budget at ivi-veto ang line items kung kinakailangan.

Kagabi alas siyete y medya nang matanggap ng Pangulong Duterte ang kopya ng enrolled bill ng 2019 national budget.