Isinampang kaso sa ICC may epekto sa relasyon ng PH at China

0
59

May epekto sa relasyon ng Pilipinas at China ang isinampang kaso nina dating Ombudsman Conchita Carpio Morales at dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario sa International Criminal Court (ICC) laban sa mga matataas na opisyal ng China.

Kasunod na rin ito ng mga napapaulat na panghaharass ng Chinese Navy sa mga mangingisdang Pilipino na napapadpad sa West Philippine Sea.

Ayon kay IBP Executive Vice President Domingo Cayosa, posibleng ikagalit ng China ang nasabing hakbang.

Gayunman sinabi ni Cayosa na maaaring maging daan ang naturang kaso para maghinay hinay ang China sa reclamation sa West Philippine Sea lalo na sa mga islang sakop ng Pilipinas.