Palasyo tila nagkaroon ng pagasa na malilinis ang BOC sa pangangasiwa ni Guerrero

0
52

Tila nagkaroon ng pagasa ang Malakanyang na malilinis pa ang Bureau of Customs (BOC) sa pangangasiwa ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na inaasahan ng Pangulong Rodrigo Duterte na susunod sa batas si Guerrero at maaabot nito ang kaniyang target collection.

Ayon kay Panelo, narinig niya mismo sa pangulo ang direktiba nito kay Guerrero na gawin ang lahat para walang bahid ang record nito kapag nagretiro na.

Posible aniyang si Guerrero na ang huling baraha ng pangulo para tuluyang malinis ang BOC mula sa korupsyon.