14-year-old na survivor sa ‘Sagay 9’ massacre hindi mahagilap ng NBI

0
63

Inamin ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi na nito mahagilap ang 14-year-old na survivor sa Sagay 9 massacre matapos itong kunan ng pahayag ng mga otoridad.

Ayon ito kay NBI-Bacolod District Office Head Renoir Baldovino, na nagsabing mahalaga rin sa kanilang imbestigasyon ang nasabing grade 8 student na nakaligtas sa masaker.

Sinabi ni Baldovino na batay sa nakuha nilang imporasyon nasa Maynila ang nasabing survivor kasama ang kaniyang ina matapos kunin ng grupong karapatan.

Dahil dito kinasuhan ng kidnapping with serious illegal detention ang legal counsel ng karapatan na si Atty. Katherine Panguban dahil hindi alam ng complainant na si Vic Pedaso kung nasaan ang kaniyang mag-ina matapos kunin ng abogado sa CSWDO nuong nakalipas na linggo.

Ang katorse anyos ay isa lamang sa tatlong survivors sa masaker sa Hacienda Nene na nakuhanan ng statement ng Sagay City Police Station at ginamit sa pagsasampa ng kasong multiple murder laban sa mga recruiters na sina Rene Manlangit at Rogelio Arquillo at pito pang John Does.