17-year-old na binatilyo sugatan matapos masabugan ng vape

0
59

Sabog ang gilagid at halos maubos ang mga ngipin ng 17-year-old na binatilyo matapos masabugan sa kaniyang mismong bibig ng depektibong vape o electronic cigarette.

Nabatid na pumapalya na ang battery ng vape ng biktimang Si King Sardea kaya’t nakipagkita ito sa isang ka chat para makapag palit ng battery.

Matapos palitan ng baterya, sinubukan umano ng biktima kung gagana na ang vape na biglang sumabog nang kaniya itong hithitin.

Inoobserbahan pa ng mga doktor ang lagay ng binatilyo kung makakaranas ito ng hirap sa paghinga at ang nangyari anila sa biktima ay maaaring magdulot ng kumplikasyon.

Samantala, naglabas naman ng sama ng loob ang ina ng biktima dahil dinagsa siya ng bashers na gumagamit din ng vape nang i-post niya sa social media ang nangyari sa kaniyang anak.