31.1 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

Palasyo siniguro na walang whitewash sa kaso ng naarestong anak ni Faeldon

- Advertisement -

Siniguro ng Malakanyang na walang mangyayaring whitewash sa kaso ng naarestong anak ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Nicanor Faeldon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, natanggap na ng Malakanyang ang spot report mula sa Philippine National Police (PNP) hinggil sa pagkaka aresto kay Nicanor Jr. kasama ang apat na iba pa sa Naga City.

Kasabay nito, pinapurihan ng Malakanyang si Director Faeldon sa naging pahayag nitong hindi kukunsintihin kung nagkasala man ang kanyang anak.

Una nang naghain ng kanyang leave of absence si Faeldon matapos na maaresto ang kanyang anak dahil sa iligal na droga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -