28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

FDA pinag-iingat ang publiko sa pagkain ng mga hindi rehistradong cereals

- Advertisement -

Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili at pagkain ng cereal products na hindi rehistrado sa ahensya.

Sa inilabas na abiso ng FDA, kabilang sa mga cereals na natuklasang hindi rehistrado ay ang general mills cocoa puffs naturally flavored frosted corn puffs, general mills golden grahams cereal at general mills cheeruios chocolate flavored whole grain   oat cereal.

Ayon sa FDA, hindi sumailalim sa registration process ang mga nabanggit na produkto na nangangahulugang walang otorisasyon mula FDA para maibenta ang naturang mga produkto.

Maliban dito, hindi rin dumaan sa pagsususri ng FDA ang mga nabanggit na cereals kaya’t hindi tiyak ang kalidad ng mga ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -