31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Balangiga Bells nakauwi na sa Balangiga, Eastern Samar

- Advertisement -

Nakauwi na ang mga kampana ng Balangiga sa kanyang tahanan sa matapos ang 117 taon.

Kahapon, nagdiwang ang buong bayan ng Balangiga sa pagdating ng mga makasaysayang kampana.

Sumigaw, nagpalakpakan habang ang ilang residente ay naluha pa habang ibinababa sa military trak ang mga kampana.

Ayon sa ilang lokal na opisyal ng Balangiga, ang pag-uwi ng kanilang mga kampana ay maituturing na pagsasara ng  masakit na yugto sa pagitan ng Pilipinas at Amerika higit isang siglo na ang nakalipas.

Pansamantalang inilagak ang balangiga bells sa gymnasium sa tabi ng San Lorenzo de Martyr Church bago ito pormal na ipagkaloob sa simbahan sa gagawing turn over ceremony ngayong araw.

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gagawing ang gagawing turn over at homecoming ceremony ng mga kampana ngayong araw.

Martes nang ibalik ng Amerika ang mga kampana at kahapon naman nang ibyahe ito pabalik sa Eastern Samar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -