Friday, May 17, 2024

Palasyo nanindigang kabilang sa BPO ang POGO

- Advertisement -

Nanindigan ang Malacañang na kabilang sa Business Process Outsourcing (BPO) industry ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos na payagan ng pamahalaan na magbalik-operasyon ang POGO sa National Capital Region (NCR) kahit na umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Roque, maituturing na nasa klasipikasyon ng BPO ang isang industriya kung nakapagbibigay ito ng serbisyo para sa isang gawain na hindi naman nangyayari sa bansa.

Una rito, sinabi ng IT and Business Process Association of the Philippines na hindi BPO ang POGO dahil rehistrado ito sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Sa ilalim ng ECQ, maaring makapag-operate ang mga BPO ngunit bawal pa ring mag-operasyon ang mga gaming and gambling sectors.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -