Thursday, May 2, 2024

Halos 300 pulis itinalaga bilang karagdagang puwersa ng NCRPO

- Advertisement -

Nagtalaga ng karagdagang 294 na puwersa ang National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO Director Police Major General Debold Sinas, nagmula ang mga nabanggit na pulis sa national standby support force ng Philippine National Police (PNP) National Head Quarters.

Itinalaga anila ang mga ito bilang katuwang ng Regional Mobile Force Battalion sa pagbabantay at pagmamando sa mga quarantine control points sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Sinabi ni Sinas, 48 araw nang tuloy-tuloy na nakadeploy sa mga quarantine checkpoints  at control points ang mga tauhan ng NCRPO kaya kinakalangan na silang palitan upang makapagpahinga.

Dagdag ni Sinas, plano na rin niyang makipag-ugnayan sa Philippine Army at Special Action Force para humingi ng karagdagan pang puwersa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img