Paglulunsad ng online precinct finder tiniyak

0
53

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec), ang paglulunsad ng online precinct finder.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ito ay upang maalalayan ang mga botante sa paghahanap ng kanilang polling precincts.

Aniya, target ng poll body na mailunsad ang naturang application bago sumapit ang eleksiyon sa Lunes.

Paliwanag ni Jimenez, katuwang ng comelec ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa paglunsad ng online precinct finder, kung saan sa Comelec mismo manggagaling ang mga datos, habang ang DICT naman ang bubuo ng online application.

Kaugnay nito, kumpiyansa naman si Jimenez na walang magiging data breaches sa naturang precinct finder.

——