Palasyo nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa California shooting

0
63

Nakiramay ang Malacañang sa pamilya ng mga nasawi sa pamamaril sa California.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Filipino American na si Alaina Punzalan Housley ang nasawi sa pamamaril.

Sinabi ni Panelo na patuloy ang pag-monitor ng Philippine Consulate General sa Los Angeles sa mga development sa insidente.

Sa tala ng DFA, mayroong mahigit dalawampu’t limang libong (25,000) Pilipino at Filipino-Americans ang naninirahan sa Ventura County.

—-