Kampo ni Imelda Marcos iaapela ang hatol ng Sandiganbayan

0
63

Iaapela ng kamo ni dating First Lady at Ilocos Norte Representative Imelda Marcos ang hatol ng Sandiganbayan sa pitong bilang dito ng kasong graft.

Ayon sa kampo ng dating unang ginang, katatanggap lamang nila ng kopya ng desisyon ng 5th division ng Sandiganbayan.

Magsisilbi namang abogado ni Marcos si Justice Lolong Lazaro dahil naka-confine pa sa ngayon ang attorney for record ni Lazaro.

Pinag-aaralan na ngayon ni Lazaro ang desisyon ng Sandiganbayan at nakatakda itong maghain ng motion for reconsideration sa korte.


Iba pang miyembro ng pamilya Marcos pinananagot din

Dapat na mapanagot din ang iba pang miyembro ng pamilya Marcos.

Ito ang binigyang diin ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro matapos mahatulan ng guilty sa kasong graft si dating unang Ginang Imelda Marcos.

Giit ni Castro, nagsamantala rin sa posisyon at lumustay din ng pera mula kaban ng bayan ang iba pang miyembro ng pamilya Marcos.

Sinabi ni Castro na nararapat lamang ang hatol kay Ginang Marcos at sa katunayan ay napakatagal aniya ang hinintay para mabigyang hustisya ang mga Pilipino.

Samantala nanindigan naman si Akbayan Representative Tom Villarin na hindi maaaring gamitin ng dating unang ginang ang kanyang edad na otsenta’y nuebe (89) para hindi makulong dahil sa humanitarian reason.

Kailangan aniya itong arestuhin at ilabas sa publiko ang larawan sa gagawing pagdakip dito.

—-