Saturday, May 11, 2024

Palasyo nakiramay sa mga nasawi sa landslide sa Cebu

- Advertisement -

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa mga pamilya ng nasawi sa landslide sa Barangay Tinaan sa Naga City, Cebu.

Kasabay nito, tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sisikapin ng gobyerno na mahanap ang lahat ng mga naitalang nawawala sa pagpapatuloy ng rescue operations.

Hindi naman tiyak pa sa ngayon kung bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pamilya ng mga nasawi sa landslide bagama’t ito ay nakatakdang magtungo sa Cebu ngayong araw para dumalo sa isang event ng ilang health professionals.

“Nakikiramay po kami doon sa mga naging biktima ng landslide sa Naga. At asahan niyo po lahat naman po ay gagawin ng gobyerno para maibsan ang dalamhati na nararamdaman ng mga biktima at titignan kung paano maiiwasan ang mga ganitong pangyayari sa darating pa na panahon.” Pahayag ni Roque.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -