Sunday, April 28, 2024

Paglalagay ng NFA rice sa mga supermarket idinepensa ng DTI

- Advertisement -

Idinipensa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang plano nilang paglalagay ng NFA rice sa mga malalaking supermarket sa bansa.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, layunin lamang nito na magkaroon ng mas malawak na access ang publiko para makabili ng murang NFA rice.

Tiniyak naman ng kalihim na tig-aapat na kilo lamang ang ilalaan para sa mga nais na bumili ng NFA rice.

Una rito, kinontra ng NFA ang planong ito ng DTI dahil dapat anilang isaprayoridad ang mga palengke na pinipilahan ng mga mamamayan.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -