28.7 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

LTFRB planong makipag-diyalogo sa PISTON kaugnay ng bantang tigil pasada

- Advertisement -

Planong makipagdayalogo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa grupong Piston kaugnay ng bantang tigil pasada ng naturang transport group.

Ayon kay LTFRB executive director Samuel Jardin, layon ng diyalogo na makahanap ng solusyon na magbebenepisyo sa lahat lalo na sa mga pasahero.

Hinimok din ng LTFRB ang grupo na ipabatid sa ahensya ang kanilang mga hinaing bago magsagawa ng mga marahas na hakbang gaya ng tigil pasada.

Una rito, nagbanta ang grupong Piston na dalawang araw na transport strike ang sasalubong sa pagpasok ng 2019 kung patuloy na igigiit ng Department of Transportation ang modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan at ang ginawang pagrollback ng LTFRB sa pamasahe sa jeep.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -