Thursday, May 9, 2024

Palasyo kinondena ang pananambang sa mag amang mayor at vice mayor sa La Union

- Advertisement -

Nagpaabot na ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya nina Balaoan La Union Vice Mayor Alfred Concepcion at body guard nitong si Mike Ulep na nasawi matapos tambangan kahapon.

Sa ipinalabas na pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sinabi nito na hinahangad din ng Malakanyang ang mabilis na paggaling ni Balaoan Mayor Aleli Concepcion at ng pitong iba pang nasugatan sa insidente.

Kasabay nito, kinondena rin ng Malakanyang ang nangyaring pananambang.

Ayon kay Panelo, ginagawa na ng pulisya ang lahat para matukoy at madakip ang mga nasa likod ng insidente at tiniyak na hindi titigil ang mga otoridad hangga’t hindi napapanagot sa batas ang mga ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img