Thursday, May 2, 2024

El Nido hindi isasara kahit isasailalim rehabilitasyon—DOT

- Advertisement -

Hindi isasara ang mga isla sa El Nido Palawan habang isinasailalim ito sa anim na buwang rehabilitasyon.

Ito ang inihayag Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat kasunod ng naging anunsyo ni Environment Secretary Roy Cimatu na isasailalim sa malawakang paglilinis ang El Nido matapos matuklasang nasa labing dalawang (12) establisyento rito ang lumabag sa environmental law.

Ayon kay Romulo Puyat, hindi isasara ang kilalang tourist destination lalo’t marami naman aniya ang mga sumusunod sa batas.

Dagdag ng kalihim, magiging prayoridad ng rehabilitasyon ang pagsasaayos sa wastewater system ng El Nido gayundin ang pagsusuri sa coliform level ng karagatan.

Pag-aaralan din aniya kung lalagyan na rin ng limitasyon ang bilang ng mga turista na nagtutungo sa El Nido.

Samantala, magsasagawa rin ng katulad na pagsusuri ang Department of Tourism (DOT) sa isla ng Coron sa Palawan, Siargao, Panglao, Bohol at iba pang kilalang tourist destinations sa bansa.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img