Palasyo itinalaga si Dalumpines bilang OIC ng MINDA

0
44

Itinalaga ng Malacañang si Office of the President Assistant Secretary Nathaniel Dalumpines bilang officer in charge (OIC) ng Mindanao Development Authority (MINDA).

Ang appointment papers ni Dalumpines ay nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Maliban dito, inihayag ng Malacañang na magsisilbi rin si Dalumpines bilang Assistant Secretary for Mindanao Concerns.

Si Dalumpines ang uupo sa puwesto na binakante ni Abdul Khayr Alonto na pumanaw noong 9 ng taong kasalukuyan.

—–