DILG may babala sa mga nanalong local officials na kabilang sa narco-list

0
46

Ibinabala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi pa lusot ang mga nanalong lokal na opisyal na kasama sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kahit pa nanalo ang ilan sa mga ito ay tuloy pa rin ang kanilang kasong administratibo.

Magugunitang isiniwalat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagwagi sa katatapos na midterm elections ang 26 sa 46 na local officials na idinadawit sa illegal drug trade.

Maliban dito, iginiit ni Año na isusulong pa rin ng PDEA ang mga kasong kriminal laban sa mga umano’y narco politicians.

—–