28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

2 NDFP consultants naaresto ng mga awtoridad

- Advertisement -

Bumagsak sa kamay ng pulisya ang dalawa pang consultants ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng PNP-CIDG at AFP si Rey Casambre at asawang si Corazon Mercado Casambre sa Molino Blvd. sa Bacoor Cavite.

Ayon kay Chief Supt. Amador Corpus, director ng PNP-CIDG, may mga warrant of arrest ang mag-asawa para sa kasong murder at attempted murder sa Davao Oriental.

May dala rin umanong baril, bala at granada ang mag-asawa nang sila ay maaresto habang nasa kanilang sasakyan.

Nasa Camp Crame na ngayon ang mag-asawa habang inihahanda ang karagadang kaso laban sa mga ito.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -