Palasyo idinepensa ang pagsibak sa 3 undersecretaries ng DSWD

0
49

Idinipensa ng Malakanyang ang pagsibak sa tatlong undersecretaries ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, walang kinalaman ang pagiging miyembro ng makakaliwang grupo sa pagkakasibak ng tatlo.

Aniya, nais lamang ng DSWD na makabuo ng magandang team kaya tinapos na ang serbisyo nina DSWD Undersecretary for Promotive Operations and Programs Group Maria Lourdes Turalde – Jarabe, Undersecretary for Protective Operations and Programs Mae Ancheta – Templa at Undersecretary for Disaster Response Management Group Hope Hervilla.

Si Jarabe ang dating secretary general ng grupong Gabriela, si Hervilla ay regional chairperson ng Bayanmuna at si Templa ay miyembro ng Forum of Women for Action with Rody Duterte.

Dahil sa pagsibak sa tatlo ay mayroong ng laya si DSWD Sec. Ronaldo Bautista ng sarili niyang tao na makapagbibigay ng mas magandang serbisyo sa publiko.