BI ipinag-utos ang pagpapa-deport sa 2 Korean fugitives

0
51

Ipinag-utos ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapa-deport sa dalawang Koreanong wanted sa batas.

Kinilala ang mga suspek na sina Jang Kilwan at Lee Junhee, pawang wanted sa kasong cyber fraud at nagtatago sa Pilipinas sa loob ng halos tatlong taon.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, naaresto ang dalawa sa isinagawang operasyon sa Fairview, Quezon City, matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng dalawang suspek.

Napag-alaman na patakbo umano ang dalawang suspek ng isang private internet sports gambling site kung saan kumikita umano ang mga ito ng aabot sa $200,000.

Bukod sa pagpapa-deport, blacklisted na rin sa bansa sina Kilwan at Junhee.