36.1 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Palasyo hindi nangangamba sa resulta ng SWS ukol sa pagdami ng Tsino sa bansa

- Advertisement -

Kinuwestiyon ng Malakanyang ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na mayorya o katumbas ng 70% ng mga Pilipino ang nangangamba sa pagdami ng mga manggagawa Tsino sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi na nila ikinagulat pa ang resulta ng nabanggit na survey.

Ito aniya ay dahil bahagya iniba ang ginamit na tanong sa survey para magkaroon ng ibang kahulugan.

Iginiit ni Panelo, inaasahan na ang sagot ng mga respondents dahil sa mismong tanong aniya ay ipinalalagay nang may dapat ipangamba ang mga Pilipino.

Dagdag ni Panelo, kanilang nang inaasahan na hahaluan ng kulay pulitika at babaluktutin ng mga kritiko ng Pangulo ang resulta ng nabanggit na survey para sa kanilang propaganda.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -