Pahayag ni Robredo na talamak ang iligal na droga sa Bicol Region itinanggi ng PNP at PDEA

Pahayag ni Robredo na talamak ang iligal na droga sa Bicol Region itinanggi ng PNP at PDEA

by Powered by DWIZ
30 views

Hindi sang-ayon ang Philippine National Police o PNP sa sinabi ni Vice Pres. Leni Robredo na umano’y talamak parin ang problema sa iligal na droga sa Bicol.

Ayon kay Maj. Malu Calubaquib, spokesperson ng Police Regional Office-5, lumalabas sa monitong ng PNP na bumaba na ang porsyento ng mga aktibidad ng iligal na droga sa rehiyon.

Itinanggi rin ni Calubaquib na sentro ng drug transhipment ang Naga City at Legazpi City dahil sa katunayan aniya, kaunti na lamang ang kaso ng bentahan ng droga sa Bicol Region.

Matatandaang dati nang sinabi mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na “hotbed” umano ng shabu ang Naga City na ikinagalit umano ng ilang Bicolanos.

Binanggit din ni Maj. Calubaquib ang serye ng mga successful operations aniya ng pambansang pulisya laban sa mga big time drug suppliers na nabigong magpuslit ng mga iligal na droga papasok sa rehiyon.

Kaugnay nito, nanindigan naman si PDEA Bicol Director Christian Frivaldo na matagumpay ang anti-drug campaign ng administrasyon taliwas sa pahayag ng pangalawang pangulo.

Patunay aniya dito ang mahigit 600 barangay na idineklarang drug free habang 400 iba pa ang inaasahang iaanunsyo sa buwan ng Disyembre.

0 comment

Related Posts